PCG, hindi raw basta-basta puwedeng putulin ang floating barriers na inilatag ng China sa Bajo de Masinloc

Nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi nila basta-basta maaaring alisin, putulin, o sirain ang mga inlatag na floating barrier ng China sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Sa isang panayam, sinabi ni PCG spokesperson for West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela na hinihintay pa nila ang go signal mula sa national government bago putulin ang 300-metrong habang barrier na nilagay ng China para mapigilan ang mga Pilipinong makapangisda sa area.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Sabi ni Tarriela – kailangan nilang mag-ingat para hindi na mapalala pa ang sitwasyon at magdulot ng ‘diplomatic misstep’ ang Pilipinas.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Hihingi rin daw sila ng clearance at payo mula sa DFA, DOJ, at sa National Security Adviser para malaman ang kanilang suusnod na hakbang.

Sa ngayon, ang lahat daw ng ebidensya hinggil sa panibagong aksyon na ito ng China ay inilatag na nila sa Task Force-WPS.