PBEd – nangangambang mawalan ng guro ang private schools sa oras na itaas sa P50K ang kanilang mga sahod

Naniniwala si Chito Salazar ng PBED na magdudulot ng pressure sa Private Basic Education units ang mungkahing pagtataas ng sahod ng mga guro.

Ito ay matapos imungkahi ni incoming Department of Education (DepEd) chief Sonny Angara ang pagtataas ng sahod ng mga guro ng hanggang P50,000.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Ani Salazar, posibleng mawalan na ng teacher ang ilang private schools sakaling hindi ma-meet ang sahod na ipatutupad ng DepEd.

Samantala, bagaman naniniwala raw ito na mahalaga ang teachers sa bansa, sinabi ni Salazar na hindi siya naniniwala na ang salary ang magiging sapat na dahilan para maging mabuti ang kalidad ng pagtuturo.

Read More:  Atin Ito Coalition: declare July 12 as West Philippine Sea Victory Day

Dapat daw tingnan pa ang ibang aspeto gaya ng teacher education institution.