BSP – nagbabala laban sa mga nagpapakilalang empleyado nila, ‘o gumagamit ng kanilang logo

Pinaalalahanan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko kontra sa mga taong nagsasabing mula sila sa central bank para makapang-scam.

Sa isang advisory, sinabi ng BSP na may mga indibidwal at entities na gumagamit ng kanilang pangalan, maging signatures ng ilan nitong tauhan.

Read More:  Palace says Marcos had no power over Bonoan case drop

Maliban sa mga ito, nagagamit din daw ang logo ng central bank sa mga emails, messages, websites, o social media accounts.

Ginagawa raw ito ng mga scammers upang makakuha ng impormasyon na siya namang bahagi ng pang-i-scam.

Read More:  VP Sara Duterte posts bail after grave threats arrest warrant

Abiso ngayong ng BSP – iwasan ang pagbibigay ng personal at financial account information, at huwag ding basta magpadala ng pera sa mga kahina-hinalang indibidwal o entity.

Dapat din umanong suriing mabuti ang mensaheng natatanggap o transaksyong iniaalok ng mga nagpapakilalang kinatawan ng BSP.