Hiniling ni Pangulong Bongbong Marcos ang isang makabuluhang paggunita ng ll Saints’ Day at All Souls’ Day.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Marcos na kasabay ng pag-alala sa debosyon ng mga santo at legasiya ng mga yumao na, dapat lamang mag-reflect ang publiko sa kanilang layunin.
Hinikayat din nito ang mga Pilipino na gunitain ang pag-asa na ipinakita ng mga santo, maging ng mga tao sumakabilang-buhay na.
Sa huli, binigyang-diin ng Pangulo na ang pagiging masunurin ng mga Pilipino sa holy obligation sa nakalipas na mga taon ang nagbigay-daan para sa napakarami pang tradisyon na ipinagpapatuloy ng pamilyang Pilipino hanggang ngayon.
Hinikayat naman ni VP Sara Duterte ang mga Pilipino na manalangin para sa debosyon ng mga santo sa Panginoon.
Sa isang pahayag, sinabi ni Duterte na panandaliang nakatigil ang mundo para kilalanin ang pagkabanal ng mga santo – bagay na nagpapaalala aniya sa compassion at awa ng Diyos.
Dagdag pa nito na sana ay gabayan ng mga santo ang mga Pilipino sa landas kung saan tatawagin ang mga ito para magsilbi sa mga mahihirap at naaapi.
Sa huli, hinimok ng bise presidente ang mga tao na ipagpatuloy ang biyaya ng lakas bilang isang bansa.