Umapela si Pangulong Bonbong Marcos sa mga kasundaluhan sa Mindanao na ‘wag silang magpapaka-kampante dahil mayroon pa ring banta mula sa mga extremists groups.
Sa pagbisita ng Pangulo sa Camp Siongco sa Sinsuat, Maguindanao, hinikayat niya ang mga sundalo na gumawa ng mga pamamaraan para mapanatili ang pangmatagalang kapayapaan sa Rehyon.
Giit niya, nananatili pa rin ang banta mula sa mga extremist groups na umano’y wala na raw mga ideology at ‘banditry’ na lamang ang natitira sa kanila.
Sa oras daw kasi na magkagulo ay magba-‘back-to-zero’ na naman ang peace process sa Rehyon.
Dahil diyan, hinikayat nito ang mga tropa na makipagtulungan sa bagong tatag na Bangsamoro Transition Authority parliament.
Malaki aniya ang papel ng mga kasundaluhan sa pagpapatupad ng government functions ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
#
