PBBM, pinatitiyak na ‘di magugutom ang mga inilikas dahil sa pag-aalburoto ng Mayon

Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa DSWD na hindi magugutom ang lahat ng mga residenteng inilikas dahil sa pag-aalboroto ng Mayon.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian ,  simula pa noong nakaraang linggo, halos kada oras aniya ang pakikipag-usap niya sa pangulo para iparating ang mga ginagawa ng ahensiya upang matulungan ang mga apektadong residente.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Patuloy din ang mahigpit na pagbabantay ni Marcos sa pinakahuling sitwasyon sa Bulkang Mayon.  

Sinabi ni Gatchalian na mahigpit  ang ginagawa nilang  ugnayan sa mga LGUs na apektado para sa ng mga kina-kailangang gamot, pagkain, at non-food items para sa mga apektadong residente sa Albay.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Bukod dito, nagpadala na rin ang Office of Civil Defense (OCD) ng filtration machine para sa malinis na inuming tubig. //CA, edited MHEL PACIA