PBBM: pagkalinga ang siyang tunay na tatak ng public service

Nanawagan si Pangulong Bongbong Marcos sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipagpatuloy ang pagsisilbi sa publiko nang may pagkalinga.

Ito ay kasabay ng ika-73 anniversary celebration ng ahensya sa Quezon City.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Inaasahan umano ni Pangulong Marcos na hindi lang dapat ipagpatuloy ang mga hakbang ng DSWD, dahil dapat ay pag-ibayuhin pa ang tatak ng ahensya sa paglilingkod.

Maliban dito, sinabihan din niya ang tanggapan na tratuhin ang mga mahihirap nang may kabutihan, pag-intindi, at compassion dahil pagkalinga ang siyang tanda ng public service.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Samantala, inilunsad sa selebrasyon ang 24/7 Disaster Response Command Center (DRCC) atBuong Bansa Handa Project na siyang inaasahang magkakaroon ng matatag at proactive na approach sa disaster management, sa pamumuno ng DSWD.