PBBM, nagtalaga ng bagong PDEA chief

Kinumpirma ng Palasyo na mayroon nang itinalaga si Pangulong Bongbong Marcos na bagong hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Ayon kay Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil, pinangalanan bilang bagong PDEA director gneral si retired gen. Moro Virgilio Lazo.

Si Lazo ay dating commander ng Philippine National Police-Special Action Force noong 2015.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Papalitan niya si Wilkins Villanueva na halos dalawang dekada ring nagsilbi sa drug law enforcement mula pa sa panahon ng Philippine National Police-Narcotics Group.

Si Lazo, na isa ring Ilocano, ay ang ika-walong director general ng PDEA.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Sa hiwalay na Facebook Post, pinasalamatan ni Villanueva si dating pangulong Rodrigo Duterte para sa tiwalang ibinigay sa kanya para pamunuan ang PDEA.

Pinasalamatan din ni Villanueva si Marcos na hinayaan siyang manatili sa puwesto hanggang sa makapagtalaga na ito ng kanyang kapalit.