PBBM, nag-iwan ng apat na alituntunin sa mga bagong graduates ng Bangsamoro Police Basic Recruit Course

Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang graduation ceremony ng Bangsamoro Police Basic Recruit Course Batch 2023-01 classes Alpha-Bravo “BAKAS LIPI”, sa Parang, Maguindanao del Norte.

Sa kanyang mensahe, kinilala ni Pangulong Marcos ang ginawang nilang pagpili sa kapayapaan, katarungan, at pagkakasundo, sa pamamagitan ng desisyon nilang pumasok sa pagseserbisyo sa publiko.

Sinabi pa ng Pangulo na ang kanilang pagsasanay at pagtatapos ngayong araw ay higit pa sa pagtupad sa mga obligasyong nakasaad sa Bangsamoro Organic Law.

Nagiwan naman ng apat na punto ang Presidente sa pagtahak ng mga bagong myembro ng Bangsamoro Police sa bagong daan.

Una rito ay dapat anya nilang alalahanin na ang pagkakatanggap sa kanila ay dahil sa kanilang karakter at hangaring makapag-ambag sa ikauunlad ng Bangsamoro, o sa madaling sabi ang kanilang integridad ang susi ng kanilang tagumpay.

Pangalawa ang tapang at determinasyon, dapat din daw isapuso at isa-isip ang imahe ng kanilang rehiyon at bayan na may seguridad at kaayusan.

At hindi rin anya natatapos ang pagpapaunlad sa kanilang sarili upang tumaas ang kalidad ng kanilang serbisyo, gayundin ang pagiging tapat at tunay sa kanilang tungkulin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *