PBBM, kinilala ang sakripisyo ng OFWs sa OFW Grand Family Day

Nakiisa si Pangulong Bongbong Marcos sa pagdiriwang ng OFW grand family day na ginanap sa SMX convention sa Pasay city.

Napuno ang SMX convention ng mga OFW kasama ang kanilang pamilya, kung saan mula pa ang ilan sa region 3 at region 4-A.

Sa mensahe ni Pangulong Marcos, kinilala nito ang malaking kontribusyon ng mga OFW sa ating lipunan.

Anya hindi lang remittance at pag tulong sa ekonomiya ang naiaambag ng mga OFW, kundi may baon din sila sa kanilang pag uwi na mga bagong kasanayan at kaalaman na ibinabahagi sa lakas pag gawa ng bansa.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Iniaalay anya ang araw na ito para sa mga OFW bilang parangal at pagpapasalamat sa kanilang paghihirap,pagsisipag at sakripisyo.

Dagdag pa ng Pangulo, nais nilang higit na pagtibayin din ang pagmamahalan ng kanilang pamilya, lalo na’t madalas na hindi nila ito kapiling sa mahabang panahon.

Kaya hangad ng Pangulo na mas maging matatag at makapiling nila ang isa’t isa sa pamamagitan ng ganitong okasyon.

Muli ring tiniyak ng Presidente na hindi tumitigil ang pamahalaan sa pag kilos para mapabuti ang kalagayan ng mga OFW.

Kabilang dito ang pagtatag ng one repatriation command center, na maaaring hingan ng tulong ng mga OFW.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Patuloy din ang serbisyo at programa para sa reintegration sa mga OFW na nais nang umuwi at manatili sa Pilipinas, tulad ng livelihood development assistance program, Balik Pinay Balik Hanap buhay, financial awareness seminar, small business management training, enterprise development loan program, at ang tulong pangkabuhayan sa pag unlad ng samahang OFW.

Nabanggit din ng Pangulo ang mga suportang ibinibigay sa pamilya ng mga OFW tulad ng OFW children’s circle, ang OWWA educational assistance, at ang OFW hospital.

Nangako naman si Marcos na ipagpapatuloy pa rin ito ng pamahalaan sa mga susunod na taon.