PBBM kay Biden: Gamitin ang impluwensya para kontrolin ang galaw sa presyo ng langis

Nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay US President Joe Biden na gamitin ang kanyang implwensya para makontrol ang galaw sa presyo ng langis.

Sa pulong kay Biden sa sidelines ng ASEAN Summit sa Cambodia, ipinaabot ni Marcos kay Biden ang epekto ng tumataas na presyo ng langis sa mga negosyo at kabuhayan.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Binanggit din ng pangulo ang iba pang usapin, gaya ng pagpapalakas sa ugnayan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa United States pagdating sa maritime security, transnational crime, terrorism, at trafficking in persons.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Mababatid na sa Pilipinas, ang presyo ng langis ay nagtala ng year-to-date net increase as of November 18, 2022 sa P17.25 per liter sa gasolina, diesel sa P36.30 per liter, at kerosene sa P28.60 per liter. //MHEL PACIA