PBBM: Isantabi ang politika sa paggunita ng Ninoy Aquino Day

Pinasasantabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga Pilipino ang pulitika sa paggunita ng ika-40 na anibersaryo ng pagkamatay ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr.

Sa inilabas na mensahe ng Palasyo, sinabi ni Pangulong Marcos sa publiko – tanggalin na ang mga political barriers na nagiging sagabal sa seguridad, kapakanan at pag-unlad ng buhay ng mga tao.

Aniya, sa sandaling maging ‘compass’ ng mga Pilipino ang pagmamahal sa bayan, mananaig sa Pilipinas ang pakikiramay na siyang magdudulot ng maayos na lipunan.

Sa huli, hinikayat ng Pangulo ang lahat na bumuo ng isang bansa kung saan walang nangyayaring ‘personal biases’ at ang tanging nananaig ay ang pagbibigay ng prayoridad sa kapakanan ng mga Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *