PBBM, ipinag-utos na gawing prayoridad ang mga lugar na mahirap pasukin dahil sa mataas na baha

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga ahensya na unahing ilikas at bigyang prayoridad ang mga lugar na mahirap pasukin dahil sa masamang panahon.

Read More:  Senate court calls out prosecutor over ‘premature’ statement in Duterte trial

Pinamamadali rin ng pangulo sa Department of Public Works and Highways ang pagkumpuni at clearing sa mga daanan at tulay na hindi madaanan ng mga motorista.

Ayon sa pangulo, posible pa ring walang makain ang mga resident na hindi makalabas sa kanilang lugar.

Read More:  Rep. Pulong calls for fair impeachment trial of VP Sara

Gayunpaman, kuntento naman umano si Pangulong Marcos sa ginagawang aksyon ng pamahalaan sa epekto ng Bagyong Carina at hanging habagat.