Naging malakas ang hiyawan sa Batasang Pambansa nang opisyal nang ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos sa PAGCOPR ang pag-ban ng mga POGO sa bansa.
Sa kanyang speech, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na naririnig nila ang malakas na hiyaw ng taumbayan pagdating sa POGO.
Aniya, kailangan nang tuluyan nang itigil ang paglalkapastangan nito sa bansa.
Kaugnay nito – inanunsyo na ng Pangulo ang pagpapatigil sa operasyon ng mga POGO.
Kasabay ng kautusan na busisiin ang baho na mayroon ang POGO, inatasan din niya ang DOLE na i-assist ang mga Pilipinong mawawalan ng trabaho dahil sa hakbang na ito.