Tila inunahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tigil-pasada ngayong Huwebes at Biyernes.
Inanunsyo ni Pangulong Marcos na wala nang extension sa deadline ng pagpapa-consolidate ng mga pampublikong sasakyan, na hiling sana ng grupong PISTON.
Suportado naman ng ilang grupo ang modernization program sa transportation.
Sinabi nila na maliit lang ang grupo ng PISTON para maparalisa ang transportasyon kaya walang dapat ipangamba ang mga commuter.
Sa datos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board nasa 70% na ang nakapag consolidate sa buong bansa sa katupusan ng taon.
Hiling ng mga nakapag consolidate ay ipatupad na ang deadline na ilang beses ng ipinagpaliban.
Pinabulaanan din ng ilang miyembro na lugi ang mga nakapag consolidate na.
Nilinaw naman ng LTFRB na walang mangyayaring Phase out sa mga traditional jeepney pagnatapos na ang December 31 deadline.
