Hinikayat ng isang mambabatas si Pangulong Bongbong Marcos na gumamit ng wikang Filipino para sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address sa Lunes.
Ayon kay Kabayan party-list Rep. Ron Salo, mas madaling maiintindihan ng mga Pilipino at mapupukaw ang kanilang atensyon kung ang ating pambansang salita ang gagamitin ni Marcos sa pagpapaabot ng kanyang mga mensahe at plano sa susunod na anim na taon.
Paliwanag ng mambabatas, mas madaling magkaakroon ng koneksyon ang publiko at ang Gobyerno kung hindi ito magi-Ingles.
Sa katunayan, noong nangampanya naman aniya si Marcos ay nagta-Tagalog din ito noon.
Sa kabila nito, batid daw ni Salo kung bakit nagi-Ingles ang Pangulo lalo na’t isinusulong nito ang Englsih proficiency sa mga learners.
Matatandaaang Ingles ang ginamit na salita ni Marcos noong siya ay nanumpa.
#