PBBM, byaheng Visayas ngayon para mamigay ng bigas

Sa Visayas area naman ngayon mamamahagi ng bigas si Pangulong Bongbong Marcos.

Tatlong probinsya ang bibisitahin ng Pangulo sa loob lang ng isang araw.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Una itong mamimigay sa Roxas City, Capiz na susundan sa bayan ng San Jose de Buenavista sa Antique at panghuli sa Kalibo Aklan.

Maliban kay Pangulong Marcos, kasama din nito si DSWD Secretary Rex Gatchalian, PCO Secretary Cheloy Garafil, at mga lokal na opisyal ng mga nabanggit na probinsya.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Ang mga ipamimigay na bigas sa mga 4Ps beneficiaries ay bahagi pa rin ng mga nasabat na smuggled rice sa Zamboanga.