PBBM at ilang mambabatas, binati si Alex Eala sa historic US Open win

Nakiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ilang mambabatas sa pagdiriwang ng buong bansa sa makasaysayang pagkapanalo ni Alexandra “Alex” Eala sa US Open Juniors noong Sabado.

Kaugnay nito, binati rin ni Marcos si Eala sa kanyang bagong tagumpay.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Ayon sa pangulo, isang Filipina na naman ang nagtaas ng bandila ng Pilipinas.

Samantala, pinuri rin ni Sen. Pia Cayetano si Eala, dahil sa pagiging isang maningning na inspirasyon sa mga kabataan at sa ating bayan, matapos manalo sa US Open.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Binati rin nina Senate President Miguel Zubiri at House Speaker Martin Romualdez ang tennis champion.

Mababatid na gumawa ng kasaysayan si Eala para maging kauna-unahang Pilipino na nananalo sa grand slam singles championship sa US Open Juniors sa New York City noong Sabado.