Payment scheme para maka-iwas sa quarantine, iimbestigahan ng CIDG

Iimbestigahan ng mga otoridad ang posibilidad ng pagbabayad ng ilang indibidwal sa mga quarantine hotels upang matakasan ang mandatory quarantine.

Sinabi ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Police Major General Albert Ferro na aalamin nila kung may ebidensya sa claims na binayaran ni Gwyneth Chua ang mga tauhan ng hotel at iba pang otoridad para matakasan ang quarantine.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Sa pamamagitan aniya ng mga serye ng imbestigasyon ay aalamin nila kung bakit hindi naging istrikto ang Berjaya Hotel sa pagsunod sa five-day quarantine na kinailangang tapusin ni Chua.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Mababatid na nahaharap si Chua sa kasong paglabag sa R.A. 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.