Pavement cutting works kaugnay ng water meter clustering ng Prime Water, sinimulan na

Sinimulan na ng Prime Water-Sorsogon City ang pavement cutting works para sa clustering ng water meters sa iba’t ibang lokasyon sa sentro ng Lungsod.

Kabuuang 446 na koneksyon mula sa mga lumang linya ng tubig along main roads at side streets ang nakatakdang ilipat sa mga bagong distribution lines sa pamamagitan ng water meter clustering.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sa oras na makumpleto, ay tatanggalin na ang mga lumang distribution lines na inaasahang magpapabuti sa suplay at pressure ng tubig sa ilang barangay kabilang na ang Barangay Tugos pababa ng Barangay Polvorista.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ang aktibidad ay isa sa prayoridad na proyekto ng PrimeWater-Sorsogon City bilang bahagi ng one-year catch-up plan ng ahensya na target na tapusin sa buwan ng Agosto ngayong taon.