NAGA CITY –Bayanihan ngayon ang mga opisina ng City Government ng Naga sa pagbibigay ng ayuda sa mga nasunugan sa Bagumbayan Sur noong nakaraang gabi.
Sa talaan ng City Social Welfare and Development Office, mahigit 18 individual ang mga biktimang nasa pangangalaga nila bukod pa diyan iyong mga kinupkop na ng kanilang kanya-kanyang pamilya.
Kahapon, nakatanggap na sila ng mga damit, pagkain at iba pang mga pangunahing kailangan na bigay ng CSWDO, Bantay Familia at ng iba pang pribadong grupo o individual.
Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Gloria Rodriguez, ng CSWDO sinabi nitong inaasikaso pa nila ang iba pang mga tulong na puwedeng ibigay, pinag-uusapan pa nila gaya ng posibleng pagbibigay ng mga house materials para sa pagsisimula sa paggawa muli ng sariling bahay. Ang mga basic needs ang inuna.
Sa ngayon ang ilan sa mga nasunugan ay nakatira sa barangay hall ng Bagumbayan Sur at ang iba naman ay nakituloy muna sa kanilang mga kakilala at kaanak.