Patay-sinding ilaw, ilang beses naranasan ngayong araw sa bayan ng Narra

Nag-alburoto ang maraming konsyumer ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) sa bayan ng Narra dahil sa patay-sinding ilaw ngayong araw ng Biyernes.

Mababatid kasing mula kahapon, magdamag at kaninang tanghali ay patuloy ang pagkawala ng kuryente sa maraming  kabahayan at establisyemento.

Read More:  Religious beliefs influence family planning decisions among some Muslim families – CRMC

Ayon sa paliwanag ng substation, line fault daw ang sanhi nito ngunit ipapa-isolate na umano ang area para hindi na maapektuhan ang iba.

Read More:  PWD allegedly assaulted by cousin in General Santos City

Samantala, humihingi ng paumanhin ang kooperatiba ng kuryente dahil sa masamang epekto nito sa buhay at hanapbuhay.