Sumampa na sa 37 ang patay sa flashfloods sa eastern Kentucky habang patuloy ang pagbuhos ng ulan doon.
Ayon sa report, umabot sa anim na bata kabilang ang apat na magkakapatid ang kabilang sa nasawi matapos anurin ng baha habang sinusubukang iligtas ng kanilang mga magulang.
Aminado naman si Kentucky Governor Andy Beshear na inaasahan na nilang tataas pa ang bilang ng mga nasawi dahil marami pa ang missing.
Sa pinakahuling report, nasa 12,000 na mga bahay ang nananatiling walang kuryente habang daan daang bahay at mga establisyemento ang lubog pa rin sa baha.
Kinumpirma din ni Beshear na aabot sa milyon-milyong dolyar ang pinsala ng pagbaha sa mga kalsada, tulay at iba pang imprastraktura.
Ito na ang maituturing na pinakamalalang pagbaha sa rehiyon sa nakalipas na mga dekada
