Panukala na magbibigay ng 14th month pay sa lahat ng Pinoy workers inihain sa Kamara

Inihain ni Kabayan Party-list Rep. Ron Salo ang panukala na magbibigay ng 14th month pay sa mga empleyado sa parehong public at private sector employers to give, anuman ang kanilang status of employment.

Mababatid na inihain ni Salo ang House Bill (HB) 520 o kilala bilang 14th Month Pay Law, na pending sa House Committee on Civil Service and Professional Regulation simula noong July 26.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Paliwanag kaso ni Salo, na sa kabila ng umiiral nang 13th month pay, maraming pamilyang Pilipino parin ang naghihirap sa makapagbigay ng sapat para sa kanilang pamilya, dahil sa kakarampot na sahod, at iba pa.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Kaugnay nito, sa ilalim rin ng panukala, ibibigay ang obligatory 13th month pay sa empleyado sa kada May 31 ng bawat taon, bilang anticipation sa enrollment ng mga dependents ng mga empleyado, habang ang 14th month pay ay ibabahagi kada Nov. 30 bilang anticipation naman sa holiday season.