Tumaas sa 378 ang death toll mula sa Bagyong Odette base sa mga huling ulat na natanggap ng National Disaster Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sinabi ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal na ang nasabing bilang na mas mataas kumpara sa naitalang 367 noong isang araw, ay posible pang magbago dahil sa patuloy na ginagawang validation ng mga otoridad.
Hindi naman sinabi ni Timbal kung ilan sa mga napaulat na nasawi ang kumpirmado na.
Pero noong Sabado ay sinabi ng NDRRMC na umabot na ito sa 44.
Karamihan ng mga nasawi ay nanggaling sa Central Visayas, partikular na sa Cebu at Bohol.
Tinatayang nasa 742 naman ang sugatan habang nasa 60 ang missing.
