Naapektuhan ng Bagyong Odette, pumalo sa 3.9-million

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na pumalo sa mahigit 3.9-million ang bilang ng mga naapektuhan ng Bagyong Odette.

Ang nasabing bagyo na ang pinakamalakas na tumama sa bansa ngayong taon.

Read More:  Yellow and red alert status in Luzon grid further Extended

Kaugnay nito ay naiulat rin ng NDRRMC na bumaba na sa 1,198 ang bilang ng mga tao sa evacuation centers.

Ipinunto ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal na nagsipag-uwian na ang ilan sa mga evacuees kasabay ng pag-igi ng panahon.

Read More:  More than 1,100 PNP personnel face penalties amid internal cleansing drive

Inihayag naman ni Timbal na pumalo sa 478,963 ang napaulat na bilang ng mga bahay na pinabagsak ng bagyong Odette.

Sa tala ng NDRRMC ay tinatayang umabot sa P16-billion ang halaga ng pinsala habang nasa P3-billion naman sa agrikultura.