Patay ang halos 18 katao, matapos masunog at bumagsak ang isang pampasaherong eroplano sa Nepal

Bumagsak at nasunog ang isang eroplano na 50-seater CRJ200 aircraft na pagmamayari ng Saurya Airlines na sa Nepal na nagresulta sa pagkamatay ng hindi bababa sa 18 katao.

Ang eroplano ay papunta sa Pokhara para sa regular na maintenance.

Ayon kay Tej Bahadur Poudyal, tanging ang kapitan lamang ang nakaligtas sa insidente habang kabilang sa nasawi ang 17 teknisyan at dalawang tripulante. 

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Agad naman naka-rescue ang awtoridad at bombero para patayin ang sunog at hanapin ang mga labi sa eroplano

Ang insidente ay nagdulot ng pansamantalang pagsasara ng Tribhuvan International Airport.

Kilala ang Nepal sa mahinang rekord ng kaligtasan sa himpapawid, na may halos 350 na namatay sa mga aksidente ng eroplano simula noong 2000,

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

kabilang ang pinakamatinding aksidente noong 1992 kung saan bumagsak ang isang Pakistan International Airlines flight, na pumatay sa 167 tao.

Samantala, kamakailan lamang ay nasawi ang hindi bababa sa 72 na tao dahil sa isang pag-crash ng Yeti airlines noong January 2023.

///Intern Jessa