Isang pasyente kamakailan sa isang ospital sa Singapore ang napag-alaman na may bumarang pugita sa kanyang lalamunan.
Ito’y matapos na kainin ng hindi na pinangalanang pasyente ang isang buong hilaw na pugita sa isang restaurant na nagdulot ng pagsusuka nito.
Pagkatapos ng pangyayaring ito ay agad na isinugod nito ang kaniyang sarili nang hindi na nito makayanan ang kaniyang sitwasyon.
Agada naman itong idinaan sa CT scan kung saan nakita nga ang nasabing nakabara sa kaniyang lalamunan.
Isinailalim din ito sa isang proseso kung saan ipinasok ang isang manipis na tubo na may kamera sa kaniyang lalamunan.
Naging maingat ang prosesong ito upang maiwasan din ang na magkaroon ng rupture ang kaniyanbg esophagfus.
Sa ngayon, nakauwi na ang pasyente at naging maayos na ang kaniyang lagay matapos na matagumpay na naalis ang nakabara sa kaniyang lalamunan.|WENCY LISAY