𝟮 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗡𝗚𝗔𝗗𝗔𝗡𝗔𝗡, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗔𝗡 𝗞𝗔𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗕𝗦𝗞𝗘

Mahigpit na binabantayan ng Angadanan PNP ang iba’t ibang barangay sa nasabing munisipalidad sa nalalapit na Barangay at SK Elections (BSKE) na nakatakdang mangyari ngayong ika-30 ng Oktubre.

Ito ay matapos magkaroon ng report na dalawang barangay ang kanilang tinutukan dahil sa mainit na banggaan sa pulitika.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PCapt. Alex Galutera, Deputy Chief of Police ng Angadanan, pinangalanan niya ang Barangay Aniog at Durog sa mga barangay na kanilang binabantayan.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Dahil ito umano sa ma-anomalyang halalan sa mga nagdaang taon at sa mga police blotter na kanilang natatanggap sa kasalukyan na may kaugnayan sa pulitika na siyang rason sa mga maiinit na tagpo sa BSKE sa mga nasabing lugar.

Dagdag pa ni Galutera na lahat naman ng mga Barangay sa Angadanan ay kanilang babantayan lalo pa at ang kanilang assessment sa Peace and Order ng lugar ay “generally peaceful”.

Paiigtingin din nila ang katahimikan at kaayusan ng lugar sa pamamagitan ng patuloy na police visibility, at police presence lalong lalo na sa gabi.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Hindi rin dito nagtatapos ang kanilang iba’t ibang programa at aktibidad katulad na lang ng isang outreach program na ginanap sa Barangay Caloocan kamakailan lang, katuwang ang Local Government Unit ng Angadanan at Isabela State University.

Ang Angadanan PNP ay nakatulong sa 180 residente ng nasabing barangay sa pamamagitan ng feeding program, libreng gupit, pamamahagi ng mga ukay-ukay at mga bitamina bilang suporta na rin sa Executive Order 70, National Task Force and Local Communist Armed Conflict.