Pastor Quiboloy pinasa-subpoena ng Komite para dumalo sa susunod na pagdinig

Hindi sumipot si Pastor Apollo Quiboloy sa pagdinig sa Kamara tungkol sa panukalang bawiin ang prangkisa ng Sonshine Media Network International.

Dahil dito, pinasa-subpoena na ng komite si Quiboloy para dumalo sa susunod na pagdinig.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

No show din ang presidente ng SMNI dahil may sakit ayon sa abogado ng network.

Ginisa ni Rep. Raoul Manuel ang ilang opisyal ng SMNI dahil sa umano’y patuloy na pag re-red tag ng isang anchor nito.

Depensa naman ng isa sa mga board of directors ng SMNI na si Hannah Sancho na nasa anchor ang desisyon kung ano ang gustong sabihin ng mga ito.

Read More:  Escudero open to Supreme Court review of 16-vote impeachment rule

Dagdag pa Sancho hindi nila hawak ang opinyon ng kanilang mga tauhan.

Magkakasa ulit ng pagdinig ang komite para talakayin ang prangkisa ng SMNI.