Pasay LGU, pina-iinspeksyun ang lahat mga jail facilities matapos ang nangyaring jailbreak

Ipinag-utos ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano sa Pasay police stations na inspeksyunin  ang lahat ng kanilang jail facilities kasunod ng nangyaring jailbreak sa Malibay detention facility noong Lunes.

Sinabi ng alkalde na nais niyang matiyak na hindi na mauulit ang jailbreak.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Sinabi ni Rubiano bago ang jailbreak, sinabihan na ng pamahalaang lungsod ang pulisya na i-rehabilitate ang kanilang mga detention cells para sa kaligtasan at matiyak ang kaayusan ng mga pasilidad.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Aang pamahalaang lungsod ay nag-iimbestiga na rin sa insidente upang malaman kung sino ang mananagot sa mga lapses tungkol sa seguridad at operational contingencies.