Partner agencies ng LTO Bicol sa Katropa Kasangga Program, binigyang pagkilala

LEGAZPI CITY – Binigyang pagkilala ng Land Transportation Office (LTO) Bicol ang mga katuwang na ahensya para sa Katropa Kasangga Program.

Ayon kay LTO Regional Director Francisco Ranches, nagbigay sila ng sertipikasyon o pagkilala sa mga partners nito sa pagpapatupad ng road safety.

Kabilang sa mga naparangalan ay ang Department of Health, Philippine National Police, Department of Interior and Local Government, Local Government Units, Highway Patrol Group at iba pang tanggapan na nakakasama nila sa programa.

Layunin nito na bigyan ng pasasalamat ang mga government agencies dahil sa nagawa nila na maging ligtas ang mga motorista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *