SORSOGON CITY – Dahil sa hirap ng buhay, sakaling maswerte kang makapulot ng pitaka na may lamang malaking halaga ng pera, sa tingin mo ano ang gagawin mo? Aangkinin mo ba o ibabalik sa talagang nagmamay-ari nito tulad ng ginawa ng isang parking boy.
Kung kaya’t kamangha-mangha ang katapatang ginawa ng isang parking boy sa pagsauli ng pitakang napulot na naglalaman ng mahigit P39K.
Kinilala itong si Nestor Hubilla, naninirahan sa Brgy Sirangan, Sorsogon City.

Sa post ng SK3, napulot umano ni Hubilla ang wallet sa loob ng palengke at agad na itinurn-over sa opisina nila sa Burgos St. Brgy Talisay.
Agad namang naibalik ang napulot na wallet sa may-ari na isang residente ng Brgy Pamurayan sa West District ng nasabing lungsod.
Ang katapatang ginawa ni Hubilla ay hinangaan din ng kanyang kapwa parking boy at ‘atras’ boy.
Hiling ng karamihan, nawa’y marami pa ang maging tapat na Sorsoganon tulad ni Hubilla.