CAMARINES NORTE- Dalawang bayan sa Camarines Norte ang wala pang 70 percent ng kanilang target population ang nababakunahan kontra COVID- 19.
Ito ay ang Paracale at Sta Elena na hanggang ngayon ay nananatiling mababa ang vaccination coverage kumpara sa sampung mga bayan sa lalawigan batay sa pinakahuling datos ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center hanggang nitong Miyerkules.
Sa 44, 045 na target population sa Paracale nasa 29, 245 o 66. 4 percent pa lang ang nakakatanggap ng first dose.
Nasa 24, 273 naman ang fully vaccinated o 55. 1 percent at ang nakatanggap ng unang booster ay nasa 1, 817 o 4. 1 percent.
Ang nabakunahan ng ikalawang booster ay 127 o 0. 29 percent at mayroong pang 14, 800 na wala pang kahit isang bakuna.
Sa priority group mababa pa rin ang bilang ng nababakunahan sa senior citizen.
Sa 4, 738 na target population 2, 888 pa lang ang nababakunahan o 61 percent.
Pagdating naman sa 18- 59 anyos 20, 605 ang nabakunahan sa target na 26, 811 o 76 percent.
Mataas naman ang bahagdan ng nabakunahan sa age group na 12- 17 na nasa 5, 353 sa target na 5, 566 o 96. 2 percent.
Sa kabilang dako mababa pang masyado ang bilang ng nabakunahan sa mga batang edad 5- 11 taong gulang na nasa 399 sa target na 6, 930 o 5. 8 percent.
Ang bayan naman ng Sta Elena ay mayroong nabakunahan na 20, 861 sa target population na 30, 375 o 68. 7 percent.
Sa bilang na ito 19, 685 ang fully vaccinated na o 64. 8 percent.
Umaabot naman sa 1, 561 ang nakatanggap ng first booster shot o 5. 1 percent at 61 o 0. 20 percent ang nakatanggap na ng ikalawang booster.
Mayroon pang 9, 514 ang wala pa kahit isang dose ng bakuna.
