CAMARINES NORTE- Kaliwa’t kanang coastal clean- up drive ang isasagawa bago matapos itong linggo sa iba’t- ibang lugar sa Camarines Norte.
Ngayong umaga ay gagawin ang coastal clean- up drive sa Calalanay island sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte.
Ayon sa Municipal Agriculture Office dadaluhan ang naturang aktibidad ng Scubasurero kasama ang Tourism Office, Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council (MFARMC).
Itinuturing na Marine Protected Area ang naturang isla.
Samantala, maliban naman sa coastal clean- up drive ay magkakaroon ng mangrove tree planting bukas, Setyembre 23 alas 8: 30 ng umaga sa Sitio Mandulungan, Barangay Gubat dito sa bayan ng Daet.
Magkakaroon muna ng maikling programa kung saan kabilang sa mga magsasalita sina Governor Ricarte “Dong” Padilla, Mayor Benito Ochoa ng Daet at Mayor Alexander Pajarillo ng Mercedes.
Lalahukan ito ng iba’t- ibang ahensiya ng gobyerno.
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng pag obserba ng ika- 122 taong anibersaryo ng serbisyo sibil na pinagngunahan ng Provincial Government at Civil Service Commission.
