Niratipikahan na ng parehong kapulungan ng Kongreso ang bicameral conference committee report na magpapaliban sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) polls sa huling Lunes ng October 2023.
Dahil dito, ipapasa na ang panukala sa Malacañang para sa lagda ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Pero sina Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel, Senators Risa Hontiveros at Pia Cayetano ay bomoto laban sa ratipikasyon.
Giit ni Pimentel na ang petsang October 2023 ay hindi lumabas sa debate ng Senado, pero paliwanag naman ni Sen. JV Ejercito na ang pagsasagawa ng halalan sa Oktubre ay nangyari na noon.
Dagdag nito, na ang halalan ay timing din sa school break, na akma para sa mga estudyante na gustong makaboto.
