P10M parusa sa mga shipowners na guilty sa oil spill, inihain sa Kamara

Isang panukalang batas ang inihan sa Kamara na magpapataw ng aabot sa P10 milyong parusa sa mga may-ari ng barko na mapapatunayang guilty sa discharge o emission ng langis, basura at iba pang nakakapinsalang substance at pollutants sa karagatan ng Pilipinas.

Read More:  Philippine peso hits record intraday low of ₱63.15 per dollar

Inihain ni Negros Occidental Representative Kiko Benitez ang House Bill 7515 matapos lumubog ang isang tanker na may dalang 800,000 litro ng langis sa Naujan, Mindoro.

Ipinag-uutos din sa ilalim ng panukala na hulihin at ikulong ang mga sakay ng barko na lalabag dito.

Read More:  Palace defends Marcos’ bucket advice for El Niño preparation

Ayon sa mambabatas, hindi niya na hahayaang mangyari muli ang oil spill dahil sa negatibong epekto nito sa kabuhayan at marine ecosystem ng bansa.

Nauna nang nagbabala ang mga eksperto na ang oil spill ay maaaring umabot sa isla ng Cuyo sa Palawan at iba pang lugar.//CA