Panukalang magpapalakas sa sports program ng bansa, isinuslong ng isang senador

Umapela si National Unity Party president at Camarines Sur Rep. Lray Villafuerte sa mga senador na ikonsidera ang dalawang panukala na magpapalawig sa national recruitment program ng mga atleta.

Ayon kay Villafuerte, naaprubahan na ng Kamara ang ikatlo at huling pagbasa ng House Bill no. 8468 at 8495 at naipadala na sa Senado.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Layon nito na mabigyan ng malaking papel ang mga lokal na pamahalaan sa itatayong biennial Philippine National Games (PNG) program para sa mga atletang Pilipino.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Sabi ng mambabatas na ang HB 8495 ay magbibigay ng voucher sa mga batang atleta at sports clubs at organization na maaaring maipambayad sa mga gastusin ng bawat atleta.