Aprubado na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives ang panukalang batas para sa naturalization ni Barangay Ginebra San Miguel import Justin Brownlee.
Sa sesyon, inaprubahan ang House Bill No. 6224 sa pamamagitan ng viva voce, at walang bumoto laban dito.
Ang panukalang batas ay kapalit ng House Bill No. 825 ni 1-Pacman party-list Rep. Michael Romero at House Bill No. 6071 ni Parañaque 2nd District Rep. Gus Tambunting.
Binanggit ni Romero, na nag-sponsor ng panukalang batas, na si Brownlee ay highly-regarded figure hindi lamang sa Samahang Basketbol ng Pilipinas kung saan siya naglalaro kundi maging sa iba pang mga liga kung saan siya nakatulong sa mga koponang Pilipino.
Ang pagpasa ng substitute bill sa ikalawang pagbasa ay nangangahulugan na kailangan lamang ng isa pang round ng mga talakayan bago pagsama-samahin at amyendahan ang parehong bersyon mula sa Kamara at Senado kung may mga pagkakaiba.
