House, aprubuado na sa ikalawang pagbasa ang panukala na bubuo ng virology at vaccine institute

Aprubado na ng House of Representatives sa ikalawang pagbasa ang panukala na magtatagal ng virology at vaccine institute, na isa sa priority measures ng Marcos administration.

Ito’y matapos aprubahan ng Kamara ang House Bill 6452 sa pamamagitan ng viva voce vote.

Sa ilalim ng House Bill 6452, nakasaad na ang institute, na attached agency ng Department of Science and Technology (DOST), ay magsisilbi bilang premier research at development institute sa larangan ng virology, saklaw ang lahat ng viruses at viral diseases sa tani, hayop at tao.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Sinabi naman ni Albay representative Joey Salceda, isa sa mga authors ng panukala, na nakikita niya na ang virology at vaccine institute ay bersyon ng Pilipinas para sa Serum Institute of India, na world’s largest vaccine manufacturer.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Dagdag ni Salceda, na ang naturang institute, na itatayo sa New Clark City sa Tarlac, ay magbibigay sa bansa ng mas matataga na health system.