Pantay na spousal health benefits sa mga same sex couple sa South Korea, pinagtibay

Pinagtibay ng Korte Suprema sa South Korea ang karapatan ng same sex couples na makatanggap ng spousal health benefits, matapos katigan ng korte ang isang gay couple na pinagkaitan ng nasabing benepisyo ng state health insurer.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Mababatid na nagsampa ng reklamo noong 2021 laban sa National Health Insurer Service ang same sex couple na sina So Sung-wook at Kim Yong-min matapos nitong kanselahin ang kanilang spousal benefits.

Ayon sa ilang grupo isang diskriminasyon ang ginawa ng naturang health insurer at giit nila na isa itong paglabag sa dignidad at karapatang pang tao.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Samantala, sinabi ng Amnesty International, ang naging desisyon ng Korte Suprema ay isang makasaysayang tagumpay para sa pagkakapantay-pantay sa karapatang pantao sa naturang bansa.  (BRIGADA NEWS INTERN JOEL RIALDE)