Muling nagpa-plano ang mga transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) at Manibela ng isa pang transport strike, 11 araw bago maging colorum ang unconsolidated public utility jeepneys (PUJs) sa Pebrero.
Ayon sa presidente ng Piston ng si Mody Floranda, maraming posibilidad ang maaaring mangyari sa pagitan ngayon at sa January 31 deadline para sa consolidation ng mga sasakyan sa ilalim ng public utility vehicle modernization program (PUVMP).
Umaasa pa rin itong ma-acknowledge ng High Tribunal Court ang epekto ng PUVMP sa mga iba’t ibang sasakayan, gayundin sa mga commuter, drivers, at operators.
Isinaad nito ang datos mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nagsasabing hindi bababa sa 313 mga ruta sa Metro Manila ang hindi pa consolidated.
Nauna nang sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na huhulihin ng mga awtoridad ang mga unconsolidated jeepneys dahil maituturing na itong mga colorum operations pagkatapos ng deadline.