CHED Commisioner Darilag, pinatawan ng 90 days suspension

Sinuspinde ng Office of the President si Commissioner Aldrin Darilag ng Commission on Higher Education dahil sa paggawa ng grave misconduct, abuse of authority, at neglect in the performance of duty.

Ayon kay CHED Chairman Prospero de Vera, tatagal ang preventive suspension ni Darilag ng 90 araw.

Read More:  Marcos says heavy rain and climate change worsened Central Luzon flooding

Inatasan na rin ang CHED ng Office of the President na magsagawa ng fact-finding investigation para matukoy ang pagkakaroon ng prima facie case upang matiyak ang pagpapalabas ng pormal na kaso laban kay Darilag.

Read More:  DTI expands areas under 60-Day Price Freeze amid Habagat, Typhoon Impact

Dagdag pa ni de Vera, nakatuon ang Komisyon sa direktiba at pananaw ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na tanging ang pinakamahusay, pinakamatalino, at pinaka-etikal na indibidwal ang dapat mamuno sa ating pamahalaan.