Panibagong collective negotiation agreement sa pagitan ng SCWD Board of Directors and Managament at ONE SCWD, aprubado na

Naaprubahan na ang panibagong tatlong taon na  collective negotiation agreement (CAN) sa pagitan ng Board of Directors, Sorsogon City Water District (SCWD) management gayundin ng nagkakaisang empleyado o ONE SCWD.

Highlight ng panibagong CNA ang pagpapatuloy ng mga benepisyo para sa mga empleyado batay sa mga mandato ng Civil Service Commission, Department of Budget and Management at Department of Labor and Employment.

Read More:  Six arrested in Leyte over alleged illegal diesel sale

Kasabay nito, ay inaprubahan din ang mga ipinanukalang cost cutting measures ng mga empleyado bilang tulong sa ahensya upang makatipid, tulad ng pagtitipid sa kuryente, office supplies, travel expenses at iba pang gastos sa opisina.

Read More:  41 women, including 10 minors, rescued in Cebu human trafficking operations

Ang ONE SCWD ay naitatag noong Mayo 23, 2017 batay sa Executive Order No. 180 series of 1987 na naghihikayat sa mga government employees na bumuo ng asosasyon upang maisulong ang kanilang mga interes at mga benepisyo.