Naniniwala si Pangulong Bongbong Marcos sa kakayahan ng mga bagong itinalagang opisyales ng Sugar Regulatory Administration.
Ito ay matapos manumpa ang mga bagong appointees sa gitna pa rin ng isyu ng sugar fiasco hinggil sa unauthorized importation ng asukal.
Bahagi ito ng ipinangako ng Pangulo na reorganizaiton sa tanggapan.
Pinasalamatan ni Marcos ang mga bagong opisyal na umano’y nangakong gagawin nila ang kanilang mga trabaho para sa kabutiran ng mga Pilipino lalo na sa sugar sector.
Kumpiyansa ang Pangulo na ang mga bagong SRA members ay mapagtatagumpayan ang mga isyung kinahaharap ng tanggapan at iba pang mga suliranin sa sugar industry sa bansa.
Kabilang sa mga itinalaga ni Marcos ay sina David John Thaddeus Alba bilang acting administrator.
Humalili ito sa binakanteng puwesto ni Hermenegildo Serafica na nagbitiw sa puwesto.
Itinalaga rin sina Ma. Mitzi Mangwag bilang representative ng mga millers; habang si Pablo Luiz Azcona naman ay representative ng sugar planters.
#