Issue ng kakulangan ng armchair sa ilang mga paaralan sa NCR, pinabulaanan ng DepEd

Pinabulaanan ng Department of Education (DepEd) ang issue tungkol sa kakulangan ng mga armchair o upuan ng mga ‘learners’ sa ilang mga paaralan sa National Capital Region.

Sa panayam kay DepEd spokesperson Michael Poa, sinabi nitong nagsagawa na ang ahensiya ng ‘visiting’ sa mga paaralan na kulang sa maayos na furnitures noong nagdaang Brigada Eskwela.

Aniya, nagkaroon ng paglilipat ng mga armchairs mula sa mga lugar na sobra ang supply patungo sa mga eskwelahan na may kakulangan ng upuan para sa mga mag-aaral.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Hindi pa umano nagsisimula ang in-person classes, nakatanggap na ng report ang DepEd kaugnay ng kakulangan sa armchair dahilan upang magsagawa ang ahensya ng agarang inspeksyon sa mga paaralan sa NCR.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Paglilinaw ni Poa, ‘sufficient’ naman raw ang mga upuan, ang dahilan lamang kung bakit nakaupo ang ilang mga estudyante sa sahig ay dahil nagsasagawa ang mga ito ng psychosocial activities sa umaga.

Dagdag pa nito, sumusunod lamang ang ilang paaralan sa direktiba ng DepEd na magsagawa ng mga aktibidad na magfo-focus sa mental wellness ng mga learners.(PHOTOS BY JANE BAUTISTA | INQ.NET)
#