Sinaksihan ni Pangulong Bongbong Marcos ang paglagda sa 14 na business agreements sa ginanap na Philippine Business Forum sa sidelines ng ASEAN-Australia Special Summit.
Sa talumpati ni Trade Secretary Alfredo Pascual, nagkakahalaga ang mga naturang agreements ng 1.53 billion USD.
Kabilang sa mga nalagdaang kasunduan ay naka sentro sa sektor ng renewable energy, waste to energy technology, organic recycling technology, countryside housing initiatives, pagtatatag ng data center, manufacturing of health technology solutions and digital health services.
Kumpyansa si Pascual na magbibigay ang mga naturang agreements ng matibay na pundasyon para sa patuloy na pag unlad at tuloy-tuloy na partnerhip ng Pilipinas at Australia sa mga darating pang panahon.