Simula bukas, unang Martes ng buwan ng Marso, ay ipatutupad ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa abiso ng oil companies, may itatapyas na P0.40 sa kada litro ng diesel.
Mayroon ding iro-rollback na P0.35 sa kada litro naman ng kerosene.
Sa kabila niyan – umento naman ang paggalaw sa presyo ng gasolina.
Mula bukas, magtataas na naman ang presyo ng gasolina sa P0.50 kada litro.