Umarangkada na ang 1st cabinet meeting sa Palasyo ng Malakanyang sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Nag-umpisa ang pulong nang mas maaga kesa sa skedyul na alas-nueve ngayong umaga.
Binuksan ang cabinet meeting sa pamamagitan ng isang panalangin kung saan si Vice President Sara Duterte ang nanguna dito.
Binanggit naman ni Marcos sa unang bahagi ng meeting na priority agenda ay malaman ang kasalukuyang economic situation ng bansa.
Hiniling nito na magkaroon ng briefing mula sa National Economic and Development Authority at Department of Finance upang magbigay ng estado ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon sa pangulo batid naman ng lahat na ang problema sa ekonomiya ang dapat na unahin solusyunan dahil sa nararanasang krisis.