Pangulong Marcos, inutos sa DPWH na tapusin ang mga flood control projects  sa Bicol bilang paghahanda sa La Niña

NAGA CITY- Tapusin na ang flood control projects upang maibsan ang pagbaha na posibleng idulot ng La Niña o mahabang tag-ulan sa Bicol Region; ito ang utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ginawa ng pangulo ang pahayag matapos na mabanggit ang dapat na pagsunod sa mga plano at timeline ng mga imprastraktura para sektor ng pagsasaka sa maikling programa sa Fuerte Sports Complex sa Camarines Sur kasabay ng pamimigay ng titulo ng lupa.

Kahapon din Hunyo 7, 2024  inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagtatapos ng El Niño phenomenon na nagpatuyo sa mga sakahan pati water sources, naka monitor ang weather bureau/ sa transition sa posibilidad ng La Niña.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *